GSIS SAGIPIN: WINSTON GARCIA PATALSIKIN

Manipesto ng mga Kawani sa Pampublikong Sektor laban sa Bulok
at Tiwaling Pamumuno ni Ginoong Winston Garcia

Ang Government Service Insurance System (GSIS) ay itinatag para sa kapakanan at kagalingan ng bawat kawani o empleyadong nasa pampublikong sektor sa pamamagitan ng paglalaan ng karampatang “social security benefits.” Dahil dito, ang pamumuno at pangangasiwa sa napakahalagang institusyong ito ay nangangailangan ng kahusayan, walang bahid-dungis na reputasyon, hindi matatawarang kredibilidad at may puso o malasakit sa mga ordinaryong manggagawa.

Subalit nakakalungkot isipin na HINDI ito nangyayari sa pamumuno ni Ginoong Winston F. Garcia – naturingang Presidente at General Manager ng GSIS.

Bulok na Pamamahala, Lantarang Pandarambong

Sa katunayan, sa simula pa lamang ng kanyang termino, nakitaan na kaagad ang kanyang pamumuno ng kawalan ng integridad, epektibong pamamahala at kahusayan. Noon pa lamang 2003, mismong ang Department of Finance (DoF) at ang Department of Budget and Management (DBM) na ang nagsabi na labis ang pagkukulang at kawalan ng maayos na pamamahala ng GSIS sa ilalim ni G. Garcia.

Isama pa dito ang kaliwa’t kanang anomalya, iregularidad at batikos ng pandarambong na kinasangkutan ni G. Garcia. Sa loob laman ng unang 10 buwan ng kanyang panunungkulan, mayroon siyang “unliquidated cash advances” na nagkakahalaga ng P5.25 milyon at hindi maipaliwanag na “miscellaneous expenses” na nagkakahalaga ng P6.9 milyon. Tunay nga, ang GSIS sa pamumuno ni G. Garcia, imbes na maging taga-pangalaga ng kagalingan ng ating mga kawani ay naging pesonal na “bangko” o gatasan ni G. Garcia gamit ang pera ng mga kawani.

Ang Walang Silbing Computerization Program

At sino ang hindi makakaalala sa kagyat at arbitraryong pagpapatigil ng pag-proseso ng mga loans at pensions noong Marso 2003 na nagdulot ng mahabang aberya at pasakit sa mayorya ng 1.4 milyong aktibong GSIS members? Diumano ito’y ginawa upang bigyan daan ang GSIS computerization program na nagkakahalaga ng P 700 million kahit na ito’y kayang isakatuparan sa mas maliit na halaga na P 40 million.
Sinabi noon ni G. Garcia na papabilisin nito ang mga transaksyon ng GSIS at aabot lamang ng 2 buwan ang pagsasaayos. Ngunit imbes na bumilis ang mga proseso, kabaligtaran ang nangyari. Ang 2 buwan na palugit ay umabot ng 6 na buwan bago pa man naipagpatuloy ng GSIS ang pag-proseso ng mga nabinbing loans at pensions.

Delayed Posting/Updating, Mali-maling Records at Unauthorized Loan Transactions

At hanggang ngayon, ang pinsala nito ay patuloy na nararamdaman. Patuloy at talamak ang insidente ng mali-maling encoding ng mga consolidated at updated records ng mga kawani, “unauthorized loan transactions” at ang tila usad pagong at di-maayos na “updating” at “posting” ng mga premiums at automatic deductions na lalong nagdagdag ng pasakit sa mga kawani na lubhang nangangailangan na ng kagyat na ayuda mula sa GSIS sa pinakamadaling panahon.

Talamak na rin ang mga reklamo kaugnay ng sobrang bagal na paglalabas ng ating mga karampatang benepisyo bilang myembro ng GSIS. Taliwas naman ito sa kalagayan ni G. Garcia na sa loob lamang ng dalawaang araw ay nakakuha agad ng P 11 milyon na housing loan noong Nobyembre 2003. Pondo natin ang nasa GSIS, bakit hindi natin makuha sa tamang panahon ang salaping bawat buwan ay awtomatikong ibinabawas sa ating sweldo?

Pinagkait na Retirement Benefits

Dagdag pa dito, ipinagkait din ni G. Garcia ang retirement benefits sa maraming mga casual at contractual employees kahit na may maliwanag na desisyon dito ang Civil Service Commission na pumapabor sa mga manggagawa. Tila walang magandang pagtingin si G. Garcia sa mga kawani, hindi tulad sa mga obra nila Juan Luna na kaya niyang labasan ng pera at bilhin sa halagang P 46 milyon gamit ang pera natin sa GSIS habang tayo ay halos pumuti na ang mga mata sa paghihintay sa ating mga loans, pension at retirement benefits.

Global Investment Program

At ngayon sa panahon ng krisis pampinansiya, imbes na magbigay ng maayos at “transparent” na pamamahala si G. Garcia ay kabaligtaran pa rin ang nangyari. Sa ilalim ng kanyang termino, hindi malinaw at walang pagpapaliwanag kung ano na ang nangyari sa P26.54 bilyon Global Investment Program (GIP) Portfolio ng GSIS! Sa gitna ng papatinding krisis, nais natin malaman kung saan ito naka-invest, anong uri ng investment at kung ano na ang katayuan ng mga pondo na ating pagmamay-ari. Nakakatakot isipin na ang pondong ating inaasahan sa panahon ng pangangailangan at pagreretiro ay malulusaw na lamang kasabay ng pagbagsak ng mga banko sa ibang bansa.

GSIS Repormahin, Winston Garcia Patalsikin

Iilan lmang ito sa marami pang kaso ng katiwalian at maling pamamalakad ng GSIS sa ilalim ni G. Garcia. Ngunit isa lamang ang isinasalarawan ng lahat ng ito: sadyang Bulok at tiwali ang pamumuno ni G. Winston Garcia sa GSIS. BULOK dahil bilang mga kawani ng gobyerno, alam natin ang ibig sabihin ng tunay at epektibong serbisyo-serbisyo na hindi naibigay kahit kailan ni G. Garica. TIWALI dahil hindi lang sa hindi natin mapagtiwalaan sa mahusay na pamamahala ng ating pondo si G. Garcia, pinagnanakawan pa niya ang mga kawani.

Sobra na ang kahirapang ating nararanasan. Panahon na para parusahan ang tunay na maysala sa lahat ng katiwaliang ito. Panahon na para sagipin at repormahin ang GSIS sa kamay ni G. Garcia.

Dahil dito, kaming mga kawani ng gobyerno ay pumipirma at NANANAWAGAN SA KAGYAT NA PAGTANGGAL KAY GINOONG WINSTON F. GARCIA sa KANYANG PWESTO sa LALONG MADALING PANAHON.

Advertisements

3 thoughts on “GSIS SAGIPIN: WINSTON GARCIA PATALSIKIN

  1. John Enriquez

    Putang ina yan si winston garcia, plano pa nyang tumakbo ng mayor sa CEBU, sinung lolokohin nya kami mga taga cebu.. wala siyang botong makukuha sa mga teachers didto.. talagang ang sama ng mamalakad sa GSIS dito.. daming mali, tapos sabihin lang ng mga teller na wala silang magagawa sa mga mali maling mga deductions saka nalang daw makukuha pag nag retire na.. anung sagot yan… dapat hihampas ito sa mukha ni Garcia..

    Reply
    1. mark acosta

      si winston garcia ay di lang isang tyrant sa mga members ng gsis kundi maging sa kanya mismong mga empleyyado.inu unahan nya ng pananakot na kesyo kakasuhan ang mga empleyado kaya natatakot ang lahat at di makapagsalita..san ka nakakita ng ganyang presidente? walang pakialam sa buhay ng mga kapwa nya lalo na sa mga empleyado nya…
      kung titingnang mabuti ang gianawa nya sa gsis cnu pa ang maniniwala na sa loob ng kanyang rehimen ay puro mass posting pa rin at updating ang ginagawa? ilang milyon na ba ang nagastos nya sa kanyang ambisyosong proyekto na di matapos tapos..ang union bank, sinu ba ang nasa likod nyan? garcia db?ang mafre?ang madalas nyang sisihin sa kapalpakan nya ay ang mga empleyado nya at ang computer..di ba nya alam na xa ang punot dulo ng lahat ng ito? db nya alam na wla pa xang natatapos sa mga inumpisahan nya?
      ang pinagmamalaki nyang asset daw ng gsis? malaki? db kaya ito malaiki kasi kasali pa dito ang mga dapat e refundable ng mga members? ang pension na di pa nya binibgay?ngayon kung maglo loan ka,ang latest payment mo ay 3 months or 4 months ago..ito ba ang latest?bakit? kasi di pa nya napo post? at ang member dahil sa tindi ng pangangailangan ay pikit matang maglo loan kaya ang unposted repayment nya naman ay quits na lang..di na to mare refund..imagine? computerized pa yan ha….

      madaming pang pang gigipit at pahirap ang ginawa ni garcia,,,sana naman e patulan na ito ni pres arroyo..tama na po ang kalokohan ni garcia..panahon na din na makatikim din xa a malaman nyang he is not above the law

      Reply
  2. she08

    talagang napakasama nyang winston garcia na yan.. dpat tlga cya paalisin… marami na siya pinahirapan na tao… miski mga empleyado mismo ng GSIS… halos lhat kinasuhan nya.. at lhat tinanggal nya sa trabaho ng walang nakukuhang benefits… mga empleyado na halos kalahati na ng buhay nila nagttrabaho doon.. ndi manlng nya binigyan ng separation pay.. grbe na tlga ang pahirap na gngwa nya…

    kya sa susunod na administrasyon.. sana naman at tulungan ang mga empleyado ng GSIS na ginago at pinahirapan ng winston garcia na yan…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s