TACURONG CITY LGU-EMPLOYEES AMONG MAGUINDANAO MASSACRE VICTIMS

The Confederation of independent Unions in the Public Sector (CIU) strongly condemns in the strongest possible terms the brutal slaying of innocent civilians, journalists and political in the so called Maguindanao Massacre last Monday, November 23, 2009.

Victims of this savage act are employees of the Tacurong City local government in Sultan Kudarat province and are members of the Tacurong City Employees Association (TACEA-CIU) who is an affiliate of the CIU. Those unwary and unsuspecting innocent people were on its way to the Cotabato Regional Hospital for medical check up only when the incident happened. They just happen to be at the tail end of the convoy of the Mangudadatus when the group’s convoy was allegedly stopped by the group of the Ampatuans. The convoy was immediately cordoned and sealed off including the Vios.

Reports from Tom Robles, TACEA-CIU president said that there were five (5) fatalities and that the government vehicle they were riding in was buried. Last Tuesday, November 24, 2009 the bodies of Wilhelm Palabrica, the vehicle’s driver and Mercy Palabrica, one of Tacurong City’s licensing staff were found and had showed signs of torture and multiple gunshot wounds. Wednesday was when the bodies of spouses Eduardo, the city’s licensing section head and Cecil Lechonsito were found buried beneath the Vios which was also dugged up totally wrecked from the mass grave of humans and cars.

As of yesterday November 26, 2009 the body of Daryll delos Reyes, also a licensing staff of the City of Tacurong has yet to be found.

CIU calls justice for the victims of this dastardly act of savagery to helpless and innocent unsuspecting civilians caught in the middle by greedy group of influential people who wields enormous powers and enjoy the blessings of their political patrons from the administration and flex their might in their fiefdom without regard to basic human rights and norms of a humane society.

Government should now exercise its political will with dispatch to punish the perpetrators to the full extent of the law without fear or favor and show its sincerity and by example that no one is above the law even if they are the ones instrumental in installing government leaders to their position by delivering the votes during elections.

CIU will be watching the government on what are the steps it will take to address this grossly inappropriate act of senseless killings perpetrated with impunity by politicians that were mandated by its constituents and had sworn to protect them from this kind situation together with the security forces that should also protecting from the bad elements. But in this particular case, it’s the other way around. We do believe that this is just an isolated case and that it can be resolved at the earliest possible time for as long as no one will suppress the truth and that press freedom and liberty will still prevail.

Meanwhile, we will continue to mourn the passing of our dead and pray that justice will be served as swiftly as their lives were taken. Our deepest sympathy and condolences to their bereaved families.

Posted in news release | 3 Comments

Innocent motorists among massacre victims in Ampatuan

 

Eduardo Lechonsito, a government employee in Tacurong City, Sultan Kudarat, was bound for a hospital in Cotabato City after suffering a mild stroke early Monday morning.

Lechonsito, 53, went with his wife Cecille, his co-workers Mercy Palabrica and Daryll delos Reyes, and driver Wilhelm Palabrica.

Unsuspecting of the fate that awaited them, Lechonsito’s group passed along the national highway in Ampatuan town in Maguindanao en route to the Cotabato Regional Medical Center in Cotabato City. They were behind the convoy that turned out to be the target of about a hundred militiamen believed to be private army members of the Ampatuan clan.

According to Tom Robles, head of the Tacurong City Employees Union, Lechonsito and his companions were abducted and killed on mere suspicion that they were part of the convoy led by Genalyn Mangudadatu, wife of gubernatorial aspirant Buluan town Vice Mayor Ismael “Toto” Mangudadatu.

“Doon sa highway, napasama lang sila sa na-hold na convoy,” Robles told GMANews.TV.

 

News of the mass killing shocked the nation Monday afternoon. Authorities said the fatalities included women and several journalists. As of Wednesday noon, the total number of bodies recovered in the massacre site in Ampatuan town had reached 52.

Also on Wednesday, police operatives excavated a red Toyota Vios at the killing fields. Chief Superintendent Felicisimo Khu, head of the Task Force Alpha in Maguindanao, confirmed that the vehicle was the one used by Lechonsito’s party.

“Kay Mr. Lechonsito nga iyong kotse,” Khu told GMANews.TV.

He added that the bodies of three passengers have been recovered. The bodies of Mercy Palabrica and Wilhelm Palabrica were recovered Tuesday, while that of Cecille Lechonsito was recovered Wednesday noon.

“Hinahanap pa namin yung kay Mr. Lechonsito at dun sa isa (referring to Daryll delos Reyes),” Khu added.

Robles said the recovered vehicle had the seal of the Tacurong City government, confirming suspicions that Lechonsito’s group was among the victims of the massacre. “Yung nahukay na kotse, may seal kasi ng Tacurong government. So alam namin na kay Mr. Lechonsito iyon,” Robles said.

Robles said the Tacurong City Employees Union are denouncing the attack and would prod the government to deliver justice to the victims.

“Kinukundina namin ang nangyari. Magbibigay kami ng position paper. Sa Sunday, magsusuot kami ng black at maglalabas kami ng mga tarpaulin na nagsasabing kinukundina namin ang pangyayari,” he said. – RSJ, GMANews.TV

Posted in news release | Leave a comment

MAAYOS NA PASAHOD……TUGON SA KRISIS!

MAYO UNO: Ika–106 taong pandaigdigang pagdiriwang ng kilusang-paggawa! Subalit ang araw na ito sa Pilipinas ay naglalarawan ng patuloy at palalang sitwasyon at paghihirap ng mga manggagawang Pilipino na nagsusumikap mabuhay nang maayos sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga batayang bilihin, malawakang kawalan ng trabaho, at kakarampot at di-makatarungang pasahod.

Sa kasaluyang dinaranas natin sa kadahilanan ng Pandaigdigang Krisis na Pinansiyal na lalong nagpalala ng ating sitwasyon, muli nating ginigiit ang ating mga karapatan at karaingan.

DEKALIDAD AT KASIGURUHAN SA TRABAHO….IPAGLABAN!!!

Sa pamamagitan ng sinasabing Rationalization Program (EO 366) sa burukrasya na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon upang paliitin ang bilang ng mga manggagawa, patuloy naman ang pagtatatag ng bagong ahensiya upang mailuklok sa puwesto ang kanilang mga ka-alyado at mga kamag-anakan. Hindi ba ito isang maliwanag na panlilinlang sa ating mga manggagawa at sa buong mamamayang Pilipino? Ito ay matinding dagok sa ating mga manggagawa na matagal nang naghihintay ng dagdag na sahod at benepisyo, sa halip, ngayon ay napipintong mawalan pa ng trabaho dahil sa implementasyon na rin ng nasabing “Ir-Rationalization” at iba pang KONTRA manggagawang programa ng pamahalaan.

KONTRAKTUWALISASYON, IR-RATIONALIZATION AT PRIVATIZATION PROGRAMS…….TIGILAN NA!
MAAYOS AT DEKALIDAD NA TRABAHO AT PASAHOD…..IPATUPAD!

AGARANG PAGBIBIGAY NG P 3,500 ACROSS THE BOARD DAGDAG NA SAHOD PARA SA MANGGAGAWA SA PUBLIKO SEKTOR!

Matagal nang dumaranas ng matinding kahirapan ang mamamayang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin samantalang di makasapat ang maliit na kita ng mga manggagawa na ang malaking bahagi nito ay napupunta sa buwis at iba pang kinakaltas bago pa man matanggap ng manggagawa ang sahod.

Kaugnay sa pag rereporma ng ating gobyerno partikular sa bagong pasahod sa publiko sector ay ang panukalang Salary Standardization Law (SSL3) bagong iskema daw na planong ipatupad sa darating na Hulyo ng taong ito, subalit ano ang magiging epekto nito sa maliliit ang sinasahod kumpara sa mas malalaki ang suweldo? Muli, palalawakin nito ang “gap” sa pagitan ng mga matataas ang sahod sa mabababa ang tinatanggap. Sapat na dahilan ito upang mas lalong igiit natin na magkaroon ng partisipasyon ang mga manggagawa sa lahat ng proseso ng pagtatalakay sa mga polisiya na kung saan direktang apektado tayong mga manggagawa.

DECENT LIVING WAGE ang ipagkaloob, di lang MINIMUM WAGE!!!!
P 3,500.00 ACROSS THE BOARD WAGE INCREASE IBIGAY NA!!!

GSIS, SAGIPIN…..WINSTON GARCIA PATALSIKIN!

At sino ang hindi makaka-alala sa kagyat at arbitraryong pagpapatigil ng pag-proseso ng mga loans at pensions na nagdulot ng mahabang aberya at pasakit sa mayorya ng 1.4 milyong aktibong GSIS members? Diumano ito’y ginawa upang bigyan daan ang GSIS computerization program na nagkakahalaga ng P 700 million kahit na ito’y kayang isakatuparan sa mas maliit na halaga na P 40 million lamang.

Sinabi noon ni G. Garcia na mapapabilis nito ang mga transaksyon ng GSIS. Ngunit sa halip na bumilis ang proseso, kabaligtaran ang nangyari. Umabot ng di kukulangin sa 6 na buwan bago pa man naipagpatuloy ng GSIS ang pag-proseso ng mga nabinbing loans pati na pensions.

At ngayon, sa panahon ng krisis pampinansiyal, imbes na magbigay ng maayos at “transparent” na pamamahala si G. Garcia ay kabaligtaran pa rin ang nangyayari. Sa ilalim ng kanyang termino, hindi malinaw at walang pagpapaliwanag kung ano na ang nangyayari sa P26.54 bilyon Global Investment Program (GIP) Portfolio ng GSIS! Sa gitna ng papatinding krisis, nais natin malaman kung saan ito naka-invest, anong uri ng investment at kung ano na ang katayuan ng mga pondo na ating pagmamay-ari. Nakakatakot isipin na ang pondong ating inaasahan sa panahon ng pangangailangan at pagreretiro ay malulusaw na lamang kasabay ng pagbagsak ng mga banko sa ibang bansa na ang epekto ay higit na tumatama sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

Sobra na ang kahirapang ating nararanasan. Panahon na upang parusahan ang tunay na maysala sa lahat ng katiwaliang ito. Panahon na upang sagipin at repormahin ang GSIS sa kamay ni G. Garcia.

PAG-IIMBISTIGA NG MABABANG KAPULUNGAN…..MADALIIN!
GSIS REPORMAHIN!, WINSTON GARCIA PATALSIKIN!

“CORRUPTION,” SOBRA NA, TAMA NA, LABANAN NA!

Ang corruption sa ilalim ng Arroyo Administration ay napakalala. Sa ngayon parang mga virus na nag-uumalma at sumisingaw sa Pandora’s box ang corrupt practices.

Maraming malalakas ang loob ang nagbubunyag ng mga nagaganap na anomalya sa ating pamahalaan, ngunit ang justice system natin ay kakaiba, bukod sa napakabagal, may kinikilingan pa kadalasan at ang nababalikan ay yung gumawa ng paglalantad ng katiwalian.

Ngunit di tayo dapat manghina at matakot, ipagpatuloy ang laban ng manggagawa, dahil mananaig parin ang kabutihan sa kasamaan.

Kayat muli ang pag-giit ng Confederation of Independent Unions in the Public Sector (CIU) ang panawagang bigyan-pansin ang mga usaping ito upang maiangat ang kalagayan, moralidad at dignidad ng mga manggagawa sa publiko sector at ng sambayanang Pilipino.

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!!!

Posted in news release | Leave a comment

GSIS SAGIPIN: WINSTON GARCIA PATALSIKIN

Manipesto ng mga Kawani sa Pampublikong Sektor laban sa Bulok
at Tiwaling Pamumuno ni Ginoong Winston Garcia

Ang Government Service Insurance System (GSIS) ay itinatag para sa kapakanan at kagalingan ng bawat kawani o empleyadong nasa pampublikong sektor sa pamamagitan ng paglalaan ng karampatang “social security benefits.” Dahil dito, ang pamumuno at pangangasiwa sa napakahalagang institusyong ito ay nangangailangan ng kahusayan, walang bahid-dungis na reputasyon, hindi matatawarang kredibilidad at may puso o malasakit sa mga ordinaryong manggagawa.

Subalit nakakalungkot isipin na HINDI ito nangyayari sa pamumuno ni Ginoong Winston F. Garcia – naturingang Presidente at General Manager ng GSIS.

Bulok na Pamamahala, Lantarang Pandarambong

Sa katunayan, sa simula pa lamang ng kanyang termino, nakitaan na kaagad ang kanyang pamumuno ng kawalan ng integridad, epektibong pamamahala at kahusayan. Noon pa lamang 2003, mismong ang Department of Finance (DoF) at ang Department of Budget and Management (DBM) na ang nagsabi na labis ang pagkukulang at kawalan ng maayos na pamamahala ng GSIS sa ilalim ni G. Garcia.

Isama pa dito ang kaliwa’t kanang anomalya, iregularidad at batikos ng pandarambong na kinasangkutan ni G. Garcia. Sa loob laman ng unang 10 buwan ng kanyang panunungkulan, mayroon siyang “unliquidated cash advances” na nagkakahalaga ng P5.25 milyon at hindi maipaliwanag na “miscellaneous expenses” na nagkakahalaga ng P6.9 milyon. Tunay nga, ang GSIS sa pamumuno ni G. Garcia, imbes na maging taga-pangalaga ng kagalingan ng ating mga kawani ay naging pesonal na “bangko” o gatasan ni G. Garcia gamit ang pera ng mga kawani.

Ang Walang Silbing Computerization Program

At sino ang hindi makakaalala sa kagyat at arbitraryong pagpapatigil ng pag-proseso ng mga loans at pensions noong Marso 2003 na nagdulot ng mahabang aberya at pasakit sa mayorya ng 1.4 milyong aktibong GSIS members? Diumano ito’y ginawa upang bigyan daan ang GSIS computerization program na nagkakahalaga ng P 700 million kahit na ito’y kayang isakatuparan sa mas maliit na halaga na P 40 million.
Sinabi noon ni G. Garcia na papabilisin nito ang mga transaksyon ng GSIS at aabot lamang ng 2 buwan ang pagsasaayos. Ngunit imbes na bumilis ang mga proseso, kabaligtaran ang nangyari. Ang 2 buwan na palugit ay umabot ng 6 na buwan bago pa man naipagpatuloy ng GSIS ang pag-proseso ng mga nabinbing loans at pensions.

Delayed Posting/Updating, Mali-maling Records at Unauthorized Loan Transactions

At hanggang ngayon, ang pinsala nito ay patuloy na nararamdaman. Patuloy at talamak ang insidente ng mali-maling encoding ng mga consolidated at updated records ng mga kawani, “unauthorized loan transactions” at ang tila usad pagong at di-maayos na “updating” at “posting” ng mga premiums at automatic deductions na lalong nagdagdag ng pasakit sa mga kawani na lubhang nangangailangan na ng kagyat na ayuda mula sa GSIS sa pinakamadaling panahon.

Talamak na rin ang mga reklamo kaugnay ng sobrang bagal na paglalabas ng ating mga karampatang benepisyo bilang myembro ng GSIS. Taliwas naman ito sa kalagayan ni G. Garcia na sa loob lamang ng dalawaang araw ay nakakuha agad ng P 11 milyon na housing loan noong Nobyembre 2003. Pondo natin ang nasa GSIS, bakit hindi natin makuha sa tamang panahon ang salaping bawat buwan ay awtomatikong ibinabawas sa ating sweldo?

Pinagkait na Retirement Benefits

Dagdag pa dito, ipinagkait din ni G. Garcia ang retirement benefits sa maraming mga casual at contractual employees kahit na may maliwanag na desisyon dito ang Civil Service Commission na pumapabor sa mga manggagawa. Tila walang magandang pagtingin si G. Garcia sa mga kawani, hindi tulad sa mga obra nila Juan Luna na kaya niyang labasan ng pera at bilhin sa halagang P 46 milyon gamit ang pera natin sa GSIS habang tayo ay halos pumuti na ang mga mata sa paghihintay sa ating mga loans, pension at retirement benefits.

Global Investment Program

At ngayon sa panahon ng krisis pampinansiya, imbes na magbigay ng maayos at “transparent” na pamamahala si G. Garcia ay kabaligtaran pa rin ang nangyari. Sa ilalim ng kanyang termino, hindi malinaw at walang pagpapaliwanag kung ano na ang nangyari sa P26.54 bilyon Global Investment Program (GIP) Portfolio ng GSIS! Sa gitna ng papatinding krisis, nais natin malaman kung saan ito naka-invest, anong uri ng investment at kung ano na ang katayuan ng mga pondo na ating pagmamay-ari. Nakakatakot isipin na ang pondong ating inaasahan sa panahon ng pangangailangan at pagreretiro ay malulusaw na lamang kasabay ng pagbagsak ng mga banko sa ibang bansa.

GSIS Repormahin, Winston Garcia Patalsikin

Iilan lmang ito sa marami pang kaso ng katiwalian at maling pamamalakad ng GSIS sa ilalim ni G. Garcia. Ngunit isa lamang ang isinasalarawan ng lahat ng ito: sadyang Bulok at tiwali ang pamumuno ni G. Winston Garcia sa GSIS. BULOK dahil bilang mga kawani ng gobyerno, alam natin ang ibig sabihin ng tunay at epektibong serbisyo-serbisyo na hindi naibigay kahit kailan ni G. Garica. TIWALI dahil hindi lang sa hindi natin mapagtiwalaan sa mahusay na pamamahala ng ating pondo si G. Garcia, pinagnanakawan pa niya ang mga kawani.

Sobra na ang kahirapang ating nararanasan. Panahon na para parusahan ang tunay na maysala sa lahat ng katiwaliang ito. Panahon na para sagipin at repormahin ang GSIS sa kamay ni G. Garcia.

Dahil dito, kaming mga kawani ng gobyerno ay pumipirma at NANANAWAGAN SA KAGYAT NA PAGTANGGAL KAY GINOONG WINSTON F. GARCIA sa KANYANG PWESTO sa LALONG MADALING PANAHON.

Posted in gsis, statement | Tagged , , | 3 Comments